BALUKANAG
Punong manggang kinalabaw
Ikaw ang aking pauusukan
Susuubin nang maraming araw
Tatabasan, lilinisin ang kapaligiran
Iipunin sisindihan at sa usok ay naglalayuan
Ang mga ahas, lamok at mga pulang langgam
Ako naman ay sampungtaong gulang lamang
Hindi takot sa tiyanak at aswang
Kahit sa kapre at tikbalang
Dahil nakasabit ang itak sa aking baywang Ang maluto kong binalot ni Inang
Kanin at tuyo lamang
Subalit may panghimagas na panutsa
Kahit kapiraso lamang
May dalawang linggong araw-araw kita`y babalikan
Muli`y sisindihan at kung may baga pa ay sapat nang ihipan
Sa lilim ako ay nakahimlay, nangangarap ng masigabong putihan
#

Ang Balukanag ay pangalan ng isang lugar sa paanan ng mataas na bundok sa Quisao papuntang Barak.
Narito noon ang pag-aari ng mga Sarmiento sa panig ng Nanay ko. Narito kami noon nang maganap
ang " total solar eclipse 1955".
Talagang nakaka aliw ang mga kwento mo. Marami akong natutunan mga malalanim na salitang tagalog.